Solusyon sa Kakapusan
Ang kakapusan ay tumutukoy sa isang sitwasyon kung saan limitado o hindi sapat ang mga pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Bilang mag-aaral sa SMVS, ang unang una kong mungkahi upang masolusyonan ang kakapusan ay ang pagpapalago ng ekonomiya, dahil ang pagpapaunlad ng ekonomiya sa pangkalahatan ay tumutukoy sa napapanatiling sama-sama, pagkilos ng mga policymakers at mga komunidad na nagsusulong ng mga pamantayan ng pamumuhay at pang-ekonomiya kalusugan ng isang partikular na lugar. Pagpapaunlad ng ekonomiya ay maaari ding tinukoy bilang dami at husay ng mga pagbabago sa ekonomiya. Alam nating lahat na ang pangunahing suliranin ng isang ekonomiya ang kakapusan at walang katapusang pangangailangan ng tao kaya kailangan din ang tamang alokasyon. Ang ikalawa ay kailangan ng sapat na pagsusuri o tamang kaisipan upang makabuo ng mga tamang solusyon. Ang isang bansa ay kinakailangan ng tulong ng mga mamamayan o kooperasyon ng mga tao kung gustong maisakatuparan ang mga hakbangin na nabuo. Mawawalan ito ng bisa kung ang mga mamamayan mismo ay walang kooperasyon at walang tiwala na uunlad ang ekonomiya ng bansa. Ang pagkakaroon ng positibong pag-iisip ay makakatulong upang magkaroon ng paniniwala na magreresulta ng maganda ang mga paraang gagamitin.Halimbawa: Maaring magpatupad at magpaigting ng mga batas, pagsusumikap na makapagtipid sa maliit man o malaking bagay, pagsusumikap na maiangat ang buhay mula sa kahirapan. Upang maging responsible ang tao sa kanyang pagdedesisyon, kailangan niyang mabatid ang opportunity cost ng kanyang desisyon.
Maganda sana kung ginawa mong dalawa ang paragraph para bigyang diin ang gustong ipunto. 18/20 ang marka,
TumugonBurahin