Solusyon sa Kakapusan
Ang kakapusan ay tumutukoy sa isang sitwasyon kung saan limitado o hindi sapat ang mga pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Bilang mag-aaral sa SMVS, ang unang una kong mungkahi upang masolusyonan ang kakapusan ay ang pagpapalago ng ekonomiya, dahil ang p agpapaunlad ng ekonomiya sa pangkalahatan ay tumutukoy sa napapanatiling sama-sama, pagkilos ng mga policymakers at mga komunidad na nagsusulong ng mga pamantayan ng pamumuhay at pang-ekonomiya kalusugan ng isang partikular na lugar. Pagpapaunlad ng ekonomiya ay maaari ding tinukoy bilang dami at husay ng mga pagbabago sa ekonomiya. Alam nating lahat na ang pangunahing suliranin ng isang ekonomiya ang kakapusan at walang katapusang pangangailangan ng tao kaya kailangan din ang tamang alokasyon. Ang ikalawa ay k ailangan ng sapat na pagsusuri o tamang kaisipan upang makabuo ng mga tamang solusyon. Ang isang bansa ay kinakailangan ng tulong ng mga mamamayan o kooperasyon ng ...